5 tulak tiklo sa drug bust

CAVITE, Philippines - Kalaboso ang limang sibilyan na sinasabing notoryus na drug pushers makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa bahagi ng Barangay Banaba, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mark Anthony Fernandez, 26; Emmanuel Grion, 33; Lester Legaspi, 32; Ernesto Legaspi, 56; at si Ricardo Yuson, 34, pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Romulo Dela Rea, naaktuhan sa pot session ang apat sa bahay habang si Yuson naman ay dinakma sa buy-bust operation. Narekober sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.

 

Show comments