May-ari ng fish pen, nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines– Napatay ang 56-anyos na may-ari ng fish pen matapos itong ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa harapan ng kanyang mga kamag-anak kahapon ng umaga sa Barangay Osmeña, bayan ng Bulan, Sorsogon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si ex-SPO3 Charlie Afable, may asawa, retiradong pulis at residente sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na nag-aayos ng kanyang negosyong fish pen ang biktima matapos manalasa ng bagyong Gorio sa Kabikulan. Dito na dumating ang mga rebelde at pinagbabaril ang biktima sa mismong harapan ng kanyang mga kamag-anak na nag-aayos din ng fish pen.

Show comments