Marino dinedo sa subdibisyon

CAVITE, Philippines - Niratrat at napatay ang 39-anyos na marino ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng subdibisyon sa Barangay Osorio, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa ng gabi. Batay sa imbestigasyon ni P02 Alvin Marquez, pauwing naglalakad sa Summerfield Subd. ang biktimang si Edgar Galon nang harangin at pagbabarilin ng maskaradong lalaki. Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril.

Show comments