MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang 6-buwang gulang na sanggol na babae matapos na tamaan ng bala ng baril ang duyan nito na nakaaway ng kaniyang ama sa Purok Bayabas, Barangay Ali Alsree sa bayan ng Remedios Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan sa Ipil Municipal Hospital ang biktimang si Rizel Pretila, nagtamo ng tama ng bala sa katawan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, mahimbing na natutulog sa kuna ang sanggol nang tamaan ng ligaw na bala para sa ama nito matapos ang sunud-aunod na putok. Nakaligtas naman ang ama na si Roberto Pretila na nagtatakbo sa kusina upang magkubli habang pinapuputukan ng kaaway. Nagsisigaw naman ang ina ng sanggol nang makitang may umaagos na dugo mula sa kuna ng sanggol kung saan mabilis na isinugod sa pagamutan.