^

Probinsiya

Kuta ng mga kidnapper binomba, 2 Sayyaf utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang isa pa ang nasugatan sa isinagawang airstrike operation sa kuta ng mga kidnapper ng magkapatid na Fil-Algerian sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang mga napaslang na sina Kasim Hajan at Rakman Malim, pawang kasapi ng ASG at umano’y respon­sable sa pagbihag sa mga biktimang sina Linda Abdel Basit at Nadova Abdel Basit.

Ang Basit sisters, kapwa film maker ay kinidnap ng pitong mga armadong bandido na pinamumunuan umano ni Commander Ninok Sapapari noong Hunyo 22 sa Sitio Baunuh, Brgy. Liang, Patikul, Sulu. 

Nasugatan din sa operasyon ang isa pang ASG member na si Muhammad Nur Sawajaan.

Si Sawadjaan ay anak ni Abu Sayyaf Sub-leader Hatib Hajan Sawajaan na nagkukuta sa kagubatan ng Sulu.

Bandang alas- 11 ng tanghali nang ibagsak ng MG520 attack helicopter ang bomba sa pinagkukutaan ng mga bandidong Abu  Sayyaf Group.

Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa magkapatid na film makers.

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB

ANG BASIT

COMMANDER NINOK SAPAPARI

HATIB HAJAN SAWAJAAN

KASIM HAJAN

LINDA ABDEL BASIT

MUHAMMAD NUR SAWAJAAN

NADOVA ABDEL BASIT

PATIKUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with