Paglilinaw

MANILA, Philippines - Sa lumabas na ulat kahapon kaugnay sa apat na kawatan ng bike, arestado. Hindi kasama sa apat na suspek ang negosyanteng si RODEL GRAVADOR ng Barangay San Gabriel sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Si Gravador, 34, na ninakawan ng motorsiklo (Honda XRM) sa bisinidad ng kanyang bahay ang pinakahuling biktima ng mga suspek na sina Mart Ryan Carlos de los Reyes, Francis Manalo, Michael Sayo at Joel Tamayo ay pawang naaresto naman ng mga tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo sa nasabing bayan kamakalawa ng madaling-araw. Aabot sa 15-motor­siklo na pawang sinikwat sa iba’t ibang barangay ang nasamsam sa mga suspek. Patnugot

Show comments