Magsasaka inutas ng ex-pulis

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Nauwi sa madugong kumprontasyon ang dalawang magkaalitan matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng retiradong pulisya sa Barangay Pantay Fatima, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang napatay na si Cresencio Arabe habang nakikipagbuno naman kay kamatayan ang retiradong pulis na si Mario Puruganan na may malalim na sugat sa leeg matapos itong pagtatagain ni Arabe.
 Inaalam pa ng pulisya ang mas malalim pang dahilan ng matinding hidwaan nina Arabe at Purunganan.

Show comments