Kawani ng unibersidad, kinidnap

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagiging kawani ng unibersidad kaya dinukot ito ng apat na armadong lalaki sa bahagi ng Amping Drive sa Barangay Kampo Islam, Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Inilatag nang pulisya at military ang rescue operation sa biktimang si Alfrasid Rojas, 56, clerk ng Islamic Studies Department sa Western Mindanao State University. Naganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima bandang alas-7:50 ng gabi. Lumilitaw na makatanggap ng text messages ang biktima na nagsasabing lumabas siya ng bahay. Sumunod naman ang biktima kung saan naganap ang pagdukot. Kasalukuyang hIndi pa nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ang biktima.

Show comments