BULACAN, Philippines – MatinÂding sama ng loob ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 28-anyos na kawani ng munisipyo matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Banloc, Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. HuÂling namataang buhay ang biktimang si Jayson Dela Cruz na nakikipagtalo sa kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay. Nabatid na nag-alsa balutan ang babae kasama ang mga anak. Nang bumalik ang live-in partner para kumuha ng mga damit ay natagpuan nito ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Ayon kay Jorilyn Lostica na lango sa alak ang biktima nang umuwi matapos makasagutan ang isa sa opisyal ng lokal na pamaÂhalaan ng Marilao.