Onsehan sa droga, mister dinedo

BULACAN , Philippines  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 41-anyos na mister matapos itong ratratin ay pinagsasaksak pa ng tatlong di-kilalang lalaki sa harapan ng tindahan sa Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Nazarenus General Hospital ang biktimang si Dante Alegre ng Rosa Fe Apartment sa nabanggit na barangay. Ayon kay P02 Marlon Torres, nakikipag-usap ang biktima sa tatlong kalalakihan sa harap ng tindahan sa kahabaan ng McArthur Highway nang ratratin at saksakin. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa bentahan ng bawal na droga ang pamamaslang dahil inaresto na ng pulisya ang biktima kaugnay sa illegal na droga may isang taon na ang nakalipas.

Show comments