^

Probinsiya

Barko lumubog: 2 patay, 58 nasagip

Ed Casulla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang 58 naman ang nasagip at apat iba pa ang nawawala makaraang lumubog ang Ro-Ro vessel sa karagatan ng Agoha Point malapit sa Burias Island,  Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ni Philippine Navy Spokesman Lt. Commodore Gregory Gerald Fabic ang mga nasawi na sina Carlota Zeña, 58, ng Baleno, Masbate; at Erlinda Jolbitado, 59, ng Pasig City.

Kabilang sa 58-katao na nasagip ng search and rescue team ng Philippine Navy  at Philippine Coast Guard ay sina Joselito Lopez, Alen Rapsing, Loraine Ann Magat, Teresita Almano, Glenda Semeniano, Dionesio Mejanito, Rufer Leona Bonguet, Philgean Shean Tan, Alexandra Tan, Susan Magat, Rosita Gutierez, Victor Mamanag, Reynaldo Adbalagao Jr., Rhys Menard Virtucio, Leyneth Ballasteros, Dr. Ma. Theresa Arollado, Joselito Manalo, Generoso Macahilos Jr., Romnick Punzalan, Al Hussein Menor, Delfin Gulpan, Julius Accitunas, Kim Andrew Nedruda, at si Jude Cosido.

Kasama rin sa lumubog ay ang dalawang pampasaherong bus ng Isarog Bus Line na may mga plakang UYB-612 at EVV-589 at ang 6-wheeler truck (YLE-860) na pag-aari ng Camarines Sur ir Gasses.

Lumilitaw na patungong bayan ng Aroroy, Masbate ang M/V/Lady of Mt. Carmel (roll-on/roll-off) na pag-aari ng Medallion Shipping Lines mula sa pantalan ng Pio Duran, Albay ng magka­berya ang makina nito bgo unti-unting lumubog bandang alas-5:30 ng umaga.

Kaagad naman rumes­ponde ang pangkat ng Naval Southern Luzon na nakabase sa Legaspi City, Albay at isang Islander aircraft mula Cebu para tumulong sa search and rescue o­perations.

Maging ang 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force ay tumulong rin sa search and rescue operation kung saan ang mga nasagip ay dinala sa Masbate Health Hospital.

AGOHA POINT

AL HUSSEIN MENOR

ALBAY

ALEN RAPSING

ALEXANDRA TAN

BURIAS ISLAND

CAMARINES SUR

CARLOTA ZE

MASBATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with