Ni-rape slay ng adik

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang hinalay muna bago binaril sa ulo ang di-kilalang babae ng mga adik sa bawal na droga saka itinapon sa liblib na bahagi ng Barangay San Rafael, bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa ng hapon. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, mahaba ang buhok, at maayos na pangangatawan. Nakasuot ng pulang t-shirt, subalit wala itong saplot pang ibaba. Ayon kay PO3 Allen Padilla, bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima sa maputik na bahagi na malapit sa simbahan.

Show comments