Farm owner pinabulagta

MANILA, Philippines - Napaslang ang 73-anyos na farm owner matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang bumibisita sa kaniyang lupain  sa Barangay Tamil sa bayan ng Jose Dalman, Zamboanga del Norte kamakalawa. Nagtamo ng tama ng bala sa leeg na naglagos sa bibig ang biktimang si Quirico Tumala Am-is ng nabanggit na bayan. Sa inisyal na ulat ang pulisya, nagtungo ang biktima sa kaniyang farm upang bisitahin ang mga pananim nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-5:30 ng hapon. Agad namang napasugod ang pamilya ng biktima at dito na nila nakita ang duguang matanda na umaagos ang dugo mula sa leeg.

Show comments