Trader nilikida sa subdivision

CAVITE, Philippines – Bulagta ang 45-anyos na negosyante habang kritikal naman ang anak na babae nito makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng subdivision sa Barangay San Francisco, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ernesto Macatangga habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong si Julliana Macatangga, 11, habang nakaligtas naman si John Paulo Macatangga, 18, pawang nakatira sa Sunny Brooke Subd. Sa ulat ni PO3 Jon Jon Pilapil, magkakasamang naglalakad ang mga biktima patungo sa kanilang bahay nang harangin at ratratin.

Show comments