Obrero nahulog sa gusali, lasog

BULACAN, Philippines – Nalasog ang katawan ng isang obrero makaraang aksidente itong mahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang itinatayong gusali na pag-aari ng isang kilalang negosyante sa Brgy. Poblacion, Sta Maria, Bulacan kahapon.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Mendoza Ge­neral Hospital ang biktimang si John Luke Pampolina, 31, tubong Ri­zal, Laguna at residente ng Villarica Subdivision, Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Bandang alas-2 ng hapon habang naglalagay ng safety net ang biktima kasama ang ama nitong si Leody Pampoline, 55 mason sa ika-apat na palapag ng CDE Building na pag-aari ni Anacleto “Teto” Mendoza ng mangyari ang insidente.

 Aksidenteng nalagot ang tinutuntungan nitong alambre ng safety net na nakakabit sa steel clamp bunsod upang mahulog ito at lumagapak ang katawan sa unang palapag na halos nalasog sa sakuna.

Show comments