Councilor itinumba sa palengke

CEBU CITY, Cebu, Philippines – Napatay ang dating opisyal ng pulisya na naging municipal councilor matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang papasakay ng SUV sa labas ng palengke sa bayan ng Argao, Cebu kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Isidro Kintanar Memorial Hospital matapos tamaan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Joaquin Banosong, 64, ng Barangay Talaga sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Bryan Yosores, pasakay na ng Starex van si Banosong mula sa pamimili ng mga pagkain para sa hapunan nang lapitan at ratratin.  Si Banosong ay naging hepe ng Alcoy PNP bago pumalaot sa politika kung saan nasa ikatlong termino na bilang municipal councilor. Freeman News Service

 

Show comments