School principal inutas sa irigasyon

TUGUEGARAO CITY , Philippines  - Tatlong araw bago ang pasukan, pinagbabaril at napatay ang principal ng high school ng di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Norte sa  Tabuk City, Kalinga noong Biyernes ng gabi.

Sa naantalang ulat ng pulisya, napuruhan sa kanang dibdib ang biktimang si  Alvino Lupnacan, 50, pu­nong guro sa Cawagayan National High School at nakatira sa Purok 3 sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat, sinasa­bing lumabas nang bahay ang biktima para maligo sa batalan malapit sa irigasyon nang lapitan at barilin ng di-kilalang lalaki.

Naisugod sa Almora Gene­ral Hospital subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments