Ina, 2 anak na paslit minasaker

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng ina at dalawa nitong anak na bata habang kritikal naman ang isa pang anak makaraang pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Tayasan, Negros Oriental noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi  na sina Mercy Esteban Islaw, Larabelle, 5; at Wilfred, 6, habang patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang isa pa na si Annabelle, 2, na nagtamo rin ng mga  saksak sa katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Islaw sa Sitio Kalantaban bansang alas-10 ng gabi.

Lumilitaw sa imbestigasyon na natutulog ang mag-iina nang pasukin at pagsasaksakin ng hindi pa kilalang lalaki ang mga walang kalabanlabang mga biktima kung saan nagkataon namang wala ang padre de pamilya ng mag-iina.

Samantala, nadiskubre ang krimen, kahapon ng madaling-araw matapos na umuwi ang mister ng pamilya na nadatnang na­liligo sa dugo at wala ng buhay ang kaniyang mag-iina.

Show comments