^

Probinsiya

Seaman nagbaril sa ulo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang nakadama ng matinding depresyon kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 47-anyos na seaman matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Greeco Abueg ng Block 25, Lot 5, Bahay Pangarap Subd. sa nabanggit na barangay. Huling namataang buhay ang biktima na naglilinis ng kanilang bahay kung saan inutusan pa nito ang misis na bumili ng kape sa tindahan. Pagbalik ng misis sa kanilang bahay ay du­guang nakabulagta sa sahig ang biktima. Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang cal. 38 revolver na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

BAHAY PANGARAP SUBD

BARANGAY SAMPALOC

CAVITE

DASMARI

GREECO ABUEG

HULING

NAGTAMO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with