P1-M ari-arian naabo

CAMARINES NORTE, Philippines - Tinatayang aabot sa P1 mil­yong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang 14 kabahayan sa Barangay Talobatib, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagsimula ang sunog bandang alas-6:30 ng gabi sa vulcanizing shop kung saan nadamay ang 14 bahay kabilang na ang tindahan na nagbebenta ng gasolina. Naapula naman ang sunog bandang alas-9:35 ng gabi matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa iba’t ibang bayan. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan.

Show comments