2 ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang babae na nakagapos ang mga kamay at paa, may balot pa ng packaging tape ang ulo nito at inabandona sa tabing ilog ng Barangay Burol Main, Dasmariñas City. Tinatayang nasa edad na 30 hanggang 35 na  may taas na 5’5 talampakan, maiksi ang buhok ay naka-ng asul na tshirt at itim na pantalon. Samantala, natagpuan din ang ikalawang biktima bandang alas-8:45 ng umaga sa kahabaan ng Gahak-Toclong sa bayan ng Kawit, Cavite. Tinata­yang nasa edad na 35 hanggang 45 ang biktima, may taas na 5’6 talampakan, nakasuot ng dilaw na T-shirt at basketball short pants. Kapwa may mga tama ng bala ang mga biktima at may mga sugat sa katawan.

 

Show comments