Lending collector nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang lending investment collector habang malubha naman ang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Ayala, Zamboanga City kamaka­lawa. Idineklarang patay sa Western Mindanao Medical Center Hospital ang biktimang si Bemilo Islanan matapos na masapul ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo. Samantala, patuloy na ginagamot ang kasamahan nitong si Jeffrey Gavarra, nagtamo naman ng dalawang tama ng bala sa katawan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, kasalukuyang nangongolekta ang mga biktima  para sa Nickel Lending Investment  nang pagbabarilin.

 

Show comments