Shabu pusher tiklo sa Boracay

CEBU CITY, Cebu, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 34-anyos na shabu pusher matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Boracay Island, Malay, Aklan noong Martes ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Sergio Santiago ng Pasay City. Base sa police report, ang suspek na nangungupahan sa Sitio Lutugan, Brgy. Manoc-manoc sa nasabing isla ay dinakma ng pulisya matapos magbenta ng P1,000 halaga ang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer. Nasamsam din sa suspek  ang 19 plastic sachets ng shabu na may street value na P.250 milyon, drug paraphernalia, dalawang mobile phones at P2,350 cash. Freeman News Service

 

Show comments