Kaanak ng mayor, 1 pa utas sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) ang iniulat na napatay matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Garita, bayan ng Cabagan, Isabela kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas ang mga biktima na sina Arnel Bacani at Joel Bagunu, kapwa nakatira sa bayan ng Sto. Tomas.

Nabatid na patungo ang mga biktima sa kanilang istasyon sa ba­yan ng Cabagan sakay ng traysikel nang ratratin pagsapit sa abandonadong lugar. 

Ayon pa sa pulisya, si Bagunu ay malapit na kamag-anak ni outgoing Congressman Rodolfo Bagunu Albano Jr. na ngayon ay mayor-elect sa bayan ng Cabagan.

Sinabi pa ni P/Supt. Paragas, isang nagnga­ngalang Alex na sinasabing huling nagbanta kay Bagunu ang pinagha­hanap ngayon ng pulisya.

 

Show comments