Magsasaka nag-amok utas sa pulis

MANILA, Philippines - Napatay ang 26-anyos na magsasaka nang mabaril ng mga operatiba ng pulisya matapos itong mag-amok at makasugat ng kapitbahay  sa bayan ng Lagayan, Abra kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Melborgo Groesbeck ng Barangay Bai sa nasabing bayan. Isinugod naman sa Abra Municipal Hospital ang sugatang si Mariano Siobad Boling, 58. Sumuko sa kaniyang mga kasamahang pulis ang nakabaril kay Melborgo na si PO1 Junar Camacho kaugnay ng insidente ng pagkakapatay sa biktima. Bigla na lamang nag-amok ang magsasaka na walang habas na nagpaputok ng baril kung saan tinangkang payapain ni Boling pero binaril din ito. Dito na rumesponde si Camacho matapos makatanggap ng impormasyon kung saan tumanggi ring magpaawat kaya napilitan ang pulis na barilin ito.

Show comments