Social worker kinidnap ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga bandidong Abu Sayyaf Group matapos na dukutin ang isang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  habang nag-iinspeksyon ng proyekto sa mga Barangay Ulitan at Ungkaya sa bayan ng Pukan, Basilan kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Mario Dapilloza, director ng Basilan PNP ang biktima na si Jennelyn Luna Enpera ng Isabela City. Dalawa sa mga kidnaper ay nakilalang sina alyas Idol at alyas Ulay na pawang armado ng cal. 45 pistol kung saan tangay ang biktima patungo sa direksyon ng Sumisip, Basilan. Inilatag na ng pulisya ang follow-up operations para  mailigtas ang bihag.

Show comments