Misis inaway ni mister, nagbigti

CAVITE , Philippines   â€” Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 24-anyos na misis na inaway ng kanyang mister matapos itong magbigti sa kisame ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Fritz Aguado na nakabitin. Base sa police report, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang mister hanggang sa magpasya ang babae na nag-suicide. Pinaniniwalaang naglaslas muna ng pulso ang biktima bago magpakamatay.

 

Show comments