Bahay niratrat: Anak dedo, mag-asawa kritikal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Napatay ang 4-anyos na totoy ha­bang malubha naman ang mag-asawa makaraang ratratin ang kanilang bahay ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Sitio Mabulo, bayan ng Poblacion District 2 sa bayan ng Claveria, Masbate.

Namatay habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si John Francis Odena habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang mag-asawang Armando Odena Jr., 30, mangingisda at Femar Odena, 28, guro sa Sitio Curvada Elementary School.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, naga-nap ang krimen bandang  alas-8:30 ng gabi habang nanonood ng pelikula sa telebisyon ang mag-asawa at anak.

Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa nakalipas na mid- term elections ang naganap na pamamaril dahil ang babaeng guro ay nagsilbing poll clerk sa nasabing paaralan.

 

Show comments