Poll clerk pinabulagta

MANILA, Philippines - Naunsyami ang pagsisilbi sana bilang poll clerk ng 59-anyos na guro matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bisperas ng eleksyon sa bayan ng San Guillermo, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Franklin Moises Mabanag Isabela PNP director, ang napaslang na si Madella Aquinde ng Barangay Guam. Bandang alas-7 ng gabi nang pasukin at ratratin ang biktima sa loob ng kanyang tahanan. Magsisilbi sana bilang poll clerk sa halalan kahapon ang biktima subalit hindi na ito nagkaroon ng katuparan matapos na mapatay.

 

Show comments