MANILA, Philippines - Nanguna sa survey ng mga grupo ng radyo at telebisyon sa Kabisayaan ang dating hepe ng Philippne Constabulary at Philippine National Police na si Ramon Montano na tumatakbo bilang independent candidate sa senatorial race.
Base sa survey na pinaÂngunahan ng Democracy in Action Radio/TV Program sa Metro Cebu, si Montano ay nakakuha ng 56.6 % boto mula sa 2,800 respondents sa Gitnang Bisaya.
Ang iba pang grupo na kasama sa survey ay ang Bantay Radyo dyDD sa Cebu City; dyHH sa Bogo City, Cebu; Radio Fuerza dyRF sa Metro Cebu; dwBL sa Metro Manila; at sa CCTN Channel 47 Global Television sa Cebu.
Sa Top 5 ng survey, si Montano ay sinundan ni Sen. Loren Legarda, 55. 6 %; Francis Escudero,51. 4 %; Migz Zubiri, 50. 5%; Grace Poe, 49. 2%; at si JV Ejercito Estrada, 48. 3.
Sa isa pang survey ng grupo sa Kanlurang Bisaya (Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Capiz at Iloilo) nakuha naman ni Legarda ang No.1 slot at sumunod si Montano.
Sa Silangang Bisaya, si Ejercito ang nanguna, pumangalawa si Legarda, at pumangatlo si Montano. Sa kabuuang survey naman sa Mindanao, lumabas sa Top 5 si Legarda, Escudero, Estrada, Poe, at Montano.