2 backhoe sinunog ng NPA

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang backhoe ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army matapos tumangging magbigay ng progressive taxes ang cons­truction firm kamakalawa sa Sitio Nagsirucan, Barangay Backiling sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Ayon kay P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Aparri PNP, nagngitngit ang mga rebelde sa management ng Navarro Construction matapos nitong tawaran sa P10,000 ang hinihinging P1 milyon bilang proteksiyon at pahintulot sa mga proyekto sa liblib na barangay. Bagamat sinunog ng mga rebelde ang dalawang backhoe ay kinuha pa rin ng mga ito ang halaga sa kanilang pagtakas, ayon kay Pacis.

 

Show comments