MANILA, Philippines - Natagpuan na ng search and rescue team ang mga bangkay ng apat na Aleman at isang Pinoy tour guide na nasawi sa pagbubuga ng abo ng Mayon volcano noong Martes ng umaga sa pagpapatuloy ng operasÂyon kahapon.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga nasawing Aleman na sina Roland Pietieze, Farah Frances, Furian Stelter at si Joaane Edosa habang ang tour guide naman ay si Jerome Berin ng Bicol Adventures.
Ang mga biktima ay pawang mountaineers na inabutan ng trahedya matapos ang phreatic explosion ng Mayon volcano kung saan lima pa ang nawawala.
Kabilang sa mga naÂsugatan ay sina Nithi Ruangpisit, Tanut Ruchipiyrak, Thawiburut Udomkiat at Benjamin Sansuk na pawang mga Thailander; Austrian na si Sabine StrohÂberger; mga Pinoy na sina Bernard Hernandez, Calixto Balunso, Kenneth Jesalva at Nicanor Mabao.
Patuloy na nakikipagkoordinasyon ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga opisyal ng Embahada ng Thailand at Germany.