Computer shop niransak
May 6, 2013 | 12:00am
CAVITE , Philippines – Tinatayang aabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang natangay ng mga kawatan matapos looban ang computer shop sa Barangay San Jose 1, bayan ng Noveleta, Cavite kahapon ng madaling-araw. Base sa police report, winasak ang podlock sa likurang bahagi ng computer shop na pag-aari ni Carlo Dimayuga kung saan nilimas ang 20 yunit ng computer at 55 monitor. Nadiskubre ng biyanan ni Dimayuga ang pagnanakaw bandang alas-6 ng umaga habang patuloy naman ang imbestigasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
By Cristina Go-Timbang | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja, Omar Padilla | 1 day ago
By Jorge Hallare | 1 day ago
Recommended


















