^

Probinsiya

Kooperatiba lalago ang kita ng magsasaka - Enrile

Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN, Philippines  â€“ Mas tatatag at lalago ang kikitain ng mga magsasaka kung magsa­sama-sama at magtatag ng mga kooperatiba sa iba’t ibang lalawigan.

Ito ang pahayag ni senatorial bet ng United Nationalist Alliance (UNA) Jack Enrile.

“Sa makabagong konseptong farm-to-table approach, ‘di na kailangan padaanin pa sa mga middlemen at market trader ang mga paninda kaya’t mumura na ang presyo ng mga produktong agrikultura, bibilis pa ang takbo ng mga ito papuntang merkado,”paliwanag ni Enrile.

Ayon pa rin kay Enrile, ito ang layunin ng HB 4626 o Food for the Filipinos Firsr Act na inihain niya sa Kongreso kung saan siya ang kinatawan ng Cagayan. Sa Ilalim ng panukalang batas, di -ang magkakaroon ng seguridad sa pagkain kundi lalago pa ang kikitain ng mga magsasaka at iba pang food growers.

Ito ay nasubukan na sa Latin America kung saan ang mga magsasaka ay nagtayo ng kooperatiba na nagresulta sa paglaki ng kanilang kita.

Sinabi pa ni Enrile na pwede itong gawing modelo ng mga lokal na magsasaka kung saan mabibiyayaan ng bagong paraan ng pagma-marketing ng kanilang mga ani.

Dagdag pa ni Enrile na mas along maisasakatu­paran ito kung susuportahan ng mga tamang batas na magbibigay sa kanila ng subsidiya, imprastruktura, modernong pamamaraan ng pagsasaka, pautang sa mababang interes, sapat na patubig at mga pasilidad matapos ang ani.

AYON

ENRILE

FILIPINOS FIRSR ACT

JACK ENRILE

LATIN AMERICA

SA ILALIM

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with