^

Probinsiya

Bahay ng Mayoralty candidate sa Isabela, pinaulanan ng bala

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Patuloy na lumalala ang tensyon sa pulitika sa Isabela matapos  ratratin ng mga hindi pa nakikilalang suspects ang bahay ng isang Mayoralty candidate sa bayan ng San Mateo, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang Mayoralty candidate na si Santos Villamar na kalaban ni incumbent Mayor Cristina Agcaoili.

Ayon sa pulisya, masu­werteng walang nasaktan sa mga supporters ni Santos nang sugurin ng mga hindi pa nakikilalang armado ang bahay at campaign headquarters nito dakong alas-9:30 ng umaga.

Si Santos na kasalukuyang Konsehal sa bayan ay tumatakbo laban kay Agcaoili na misis ng kasalukuyang Vice Mayor na si Roberto Agcaoili na dati ring Mayor ng San Mateo.

Matatandaan na tatlong bahay din ng mga campaign supporters ng mga tumatakbong Mayor sa kalapit bayan ng Luna ang niratrat ng mga armado.

Ang San Mateo at Luna ay kapwa nasa Distrito 3 ng Isabela na pinaglalabanan din nina Congressman Pol Dy at dating Vice Governor Ramon Reyes.

ANG SAN MATEO

CONGRESSMAN POL DY

ISABELA

MAYOR CRISTINA AGCAOILI

ROBERTO AGCAOILI

SAN MATEO

SANTOS VILLAMAR

SI SANTOS

VICE GOVERNOR RAMON REYES

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with