Apo utas sa boga ng lolo

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 5-anyos na totoy habang kritikal naman ang kuya nito matapos sumpakin ng kanilang lolo habang natutulog sa loob ng bahay sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital si Jaymark Aquino habang malubha naman  ang utol nitong si Wilson Aquino matapos tamaan ng bala sa ulo.  Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Orlando Aquino, 55. Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Salvacio, lango sa alak ang suspek nang komprontahin ang kanyang nakababatang kapatid sa hindi nabatid na dahilan.  Dito na sinumpak ng suspek ang dingding ng kanilang bahay kung saan tinamaan sa dibdib ang biktimang si Jaymark na natutulog sa kuwarto habang kritikal naman si Wilson.

Show comments