Tangkang pambobomba, silat

MANILA, Philippines - Nasilat ang tangkang pagpapasabog sa dalawang pampasaherong bus matapos madiskubre ang 10 botelya ng pampasabog na itinanim ng mga di-kilalang kalalakihan sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ni P/Chief Insp. Randy Baoit, hepe ng Bacarra PNP na nakarating sa Camp Crame, inilagay ang pampasabog  sa hanay ng mga softdrink kung saan natagpuan naman ito ng mga kawani ng GMW Bus Liner bandang alauna ng madaling-araw. Nabatid na may mga testigo na nakitang may ilang armadong lalaki na pumasok sa motor pool kung saan nagmamadaling umalis matapos maalarma sa presensya ng mga kawani. Napag-alamang pag-aari ng magkapatid na George at Virgilio Florida ang GMW Buas Line na rutang Isabela-Tuguegarao-Laoag at sister company ng Florida Lines.

Show comments