Balikbayan bulagta sa ambush

BAGUIO CITY, Philippines – Bulagta ang 46-anyos na balikbayan mula sa Paris, France matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Mangato, Laoag City, Ilocos Norte noong Linggo ng gabi. Sa ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktimang si Zaldy dela  Cruz  sa kahabaan ng national highway nang ratratin ng tandem pagsapit sa harapan ng sementeryo sa nabanggit na barangay. Nagkataon namang nasaksihan ng utol ni Zaldy na si Robert ang pamamaril kaya hinabol nito ang tandem na walang helmet pero pinaputukan din siya subalit sumablay hanggang sa makatakas ang gunmen. Blangko pa rin ang pulisya sa naganap na pamamaslang sa biktima habang iimbitahan naman ang utol ng biktima para magbigay linaw sa  naganap na pananambang.

Show comments