2 banyagang turista nalunod

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang banyagang turista ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa mga tourist spots sa Ifugao at La Union kamakalawa.


Kinilala ni P/Senior Supt. Angelito Casimiro, Ifugao PNP director ang mga biktimang Cambodian na sina Kim Lin, 21, Cambodian, estudyante sa South Korea; at Takero Imanishi, 61, Haponesa.

Nabatid na binalot ng malakas na ulan at hamog ang Tappiya waterfalls sa Barangay Batad, Banaue habang nagtatampisaw si Lin at mga kasamahan nito. 


Dito nawala si Lin matapos humupa ang ulan kaya inalerto ng mga kasamahang hikers ang pulisya. Ilang oras ang nakalipas ay lumutang ang bangkay ni Lin.


Samantala, nalunod naman ang Haponesang lola na si Imanishi matapos atakihin sa puso habang nagtatampisaw sa beach resort kasama ang mga kapwa turistang Hapones sa Barangay Pari­ngao, bayan ng Bauang, La Union.

 

Show comments