P13-M gasoline tanker sinunog

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Umaabot sa P13 milyong halaga ng gasolina ang nalusaw matapos sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang hinaydyak na gasoline tanker sa bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. Nabatid na patungong Tuguegarao City ang gasoline tanker na pag aari ni Jennifer Masangcay nang harangin ng mga armadong kalalakihan. Pinatakas ng mga armado ang driver na si Dante Adriatico saka sinunog ang gasoline tanker na kargado ng gasolina. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa hindi pagbibigay ng revolutionary tax kaya sinabotahe ng mga rebeldeng ang gasoline tanker.

Show comments