^

Probinsiya

“Munting Pangarap” sa 400 pamilya

Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Sa tulong ng pribadong sector tulad ng P.A. Alvarez Properties and Development Corp. ay tuluyang lumikas ang 400 pamilya mula sa mapanganib na lugar para magkaroon ng sariling tahanan sa Sitio Kubuhan, Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Bukod sa tulong pinansiyal para sa pagsasaayos ng kanilang paglipat sa bagong tahanan, sumailalim sa Community Mortgage Program (CMP) ng pabahay ang mga apektadong informal settlers kung saan sinuportahan naman ng nasabing developer katuwang ang Socialized Housing Finance Corp.

Itinatag din ng samahang Rennaisance Homes Homeowners Association upang maging legal ang kanilang pagmamay-ari sa lupaing kanilang kina-titirikan.

Bagama’t hindi naging madali ang proseso sa pagpapatupad ng programa dahil may ilang informal settlers ang nagpahayag ng kanilang pagtanggi, naisakatuparan din ang modelong pabahay.

Nabatid kay Rizza Montecalvo, isa sa nangangasiwa sa programang CMP, binigyan ng 30 metro kuwadradong lupa ang naapektuhang pamilya kung saan kanilang huhulugan ng P400 kada buwan.

“Mabuti na itong nangyari, kaysa naman laging may nakaumang na panganib na bigla na lang kaming paa-alisin dito,” pahayag ni Imelda Gerona, opisyal ng naturang samahan.

ALVAREZ PROPERTIES AND DEVELOPMENT CORP

BAGAMA

BARANGAY PALIPARAN

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

IMELDA GERONA

RENNAISANCE HOMES HOMEOWNERS ASSOCIATION

RIZZA MONTECALVO

SITIO KUBUHAN

SOCIALIZED HOUSING FINANCE CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with