Enrile saludo sa direktiba ng WB vs kahirapan
CAGAYAN, Philippines – Sinaluduhan ni Rep. Jack Enrile, senatorial bet ng United Nationalist Alliance (UNA) ang inisyatibong inilunsad ng World Bank na naglalayung wakasan na ang kahirapan sa mga maralitang bansa kabilang na Pilininas.
Kaugnay nito, binigyang pansin din ni Enrile ang 2009 datos mula National Statistical Coordination Board na nagsasaad na 26.5% ang mga Pilipinong naghihirap samantalang aabot naman sa 16.5 milyon ang apektado ng gutom.
Samantala, sinabi naman ni World Bank President Jim Yong Kim na ang kanilang itinalagang deadline upang matuldukan na ang labis na kahirapan ay sa 2030. Ang bagong direksyong ito ay siya rin daw magsisilbing gabay ng WB sa kanilang kliyenteng pamahalaan at sa pagsuporta sa layunin ng United Nations (UN) na maibsan ang pagdarahop sa mundo.
“Ang ibig sabihin nito ay mas madarama ng mga bansang kabilang sa third world countries ang biyayang idudulot ng inisyatibong ito ng WB. Dahil dito ay baka maramdaman na ang matagal na nating minimithing unti-unting pag-ahon mula sa balon ng kahirapan,†dagdag pa ni Enrile.
Si Enrile ay masugid na tagapagsulong ng adbokasiyang pagkain sapat sa presyong tapat na naglalayung wasakan na ang labis na paghihirap sa bansa. Siya ang may akda ng HB 4626 (Food for Filipinos First Act) kung saan ay naghain siya ng mga solusyon upang maibsan ang kahirapan ng mga Pilipino pagdating sa pagkain.
- Latest