Lider ng kandidato pinabulagta

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 54-anyos na Barangay kagawad na sinasabing  lider ng kandidato makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa isa na namang karahasang naganap na may kaugnayan  sa politika sa Sitio San Vicente, Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Aroroy Municipal Hospital subalit idineklarang patay si Felix Alfurnan ng Barangay Puro. Lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa ilang kaibigan sa waiting shed nang lapitan at ratratin ng tandem. Sinamantala naman ng gunman na tumakas lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Panique.

Show comments