Kotse vs bus: 2 med rep. dedo

NUEVA ECIJA, Philippines  â€“ Pisak ang katawan at nasawi ang dalawang medical representative habang sugatan naman ang kasama nilang doctor makaraang bumang­ga ang kanilang kotse sa kasalubong na tourist bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 4, Barangay Bacal Uno, bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Lee Albert Layug, 26, ng Magat ­Avenue, NIA Village, Tandang Sora, Quezon City; at Denise Ann Dizon, 25, dalaga, ng Barangay Del Pilar, Tarlac City, Tarlac.

Ginagamot naman sa Heart of Jesus Hospital ang sugatang si Dr. Danilo Valdemor, 42, ng Virata Street, Pasay City.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus na si Rolly Agustin, 41, ng Barangay Dalibubon, Jones, Isabela.

Lumilitaw na patungong Maynila ang Pearl Travel and Tours Bus Line (TXY-472) ni Agustin nang makasalpukan nito ang kasalubong na Hyundai Getz Sedan (ZKD-172) ng mga biktima pagsapit sa nabanggit na lugar.

Pinaniniwalaang naka­idlip ang driver ng kotse at napagawi sa linya ng bus kaya naganap ang trahedya.

Show comments