Pamangkin inutas ng tiyuhin
CAMARINES NORTE, Philippines - Nauwi sa pagluluksa ang masayang pagdiriwang ng kapistahan makaraang mapatay ang 39-anyos na lalaki ng kanyang tiyuhin sa Barangay Ellagan, bayan ng Baao, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Freddie Villante habang tinutugis nang pulisya ang suspek na si Richard Albalante na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, nakikipagsayawan ang biktima sa ilang kaibigan nang lapitan at undayan ng saksak ng kanyang tiyuhin. Napag-alamang bago maganap ang pananaksak, umaawat ang suspek sa nagaganap na kaguluhan subalit itinulak ito ng biktima kaya nagalit ang suspek kung saan nagtanim ito ng panibugho.
- Latest