Suicide: Bike isinalpok sa bus

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagpasyang magpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na tinedyer matapos isalpok nito ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union kamakalawa.
 Kinilala ng pulis­ya ang nag-suicide na si Harley Luis Munar ng Barangay Parian sa nasabing lungsod.
 Nabatid na nabigla ang driver ng bus na si Richard Gapasin nang mapansin ang biktimang nakamotorsiklo na tutumbukin ang kanyang sasakyan. Hindi na nakuhang umiwas ng driver ng bus dahil sa masyadong mabilis ang pangyayari. Narekober ang cell phone ng biktima kung saan nakasaad sa text message ang pagpapakamatay subalit hindi dinetalye ang motibo.

Show comments