32 LP bets, supporters laya na
MANILA, Philippines - Pinalaya na ang 32-kandidato at supporters ng Liberal Party (LP) noong Huwebes ng gabi matapos arestuhin ng Malaysian police dahil sa pag-aakalang mga sympathizers ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) acting Governor Mujib Hataman.
Bandang alas-6:30 ng gabi ng palayain na ng Malaysian authorities ang grupo nina Rommel Matba, mayoralty bet at Amman Matba, vice mayoralty bet na kapwa kandidato sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi.
Ang mga ito ay inaresto noong Lunes matapos na mapadpad ang nasiraang bangka sanhi ng malakas na alon sa teritoryo ng Malaysia habang patungo sana sa proclamation rally sa Mapun at Taganak Island.
Sa kasalukuyan ay nasa bahagi na ng Taganak Island sa Tawi-Tawi ang mga kandidato at supporters ng LP matapos pakawalan ng Malaysian forces.
Ang pagpapalaya sa grupo ay resulta ng negosasyon ni Philippine Ambassador to Malaysia Ed Malaya sa pamahalaang Malaysia.
- Latest