Tanod nilikida sa niyugan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  â€“ Napatay ang 45-anyos na barangay tanod makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa kanyang niyugan sa Sitio Patag, Purok 7 sa Barangay Tigbinan, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jimmy Marquez magsasaka at pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya sa naturang lugar. Sa ulat ng pulisya, abala ang biktima kanyang niyugan nang lapitan at kausapin ng tatlong kabataan rebelde. Ilang minuto pa ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima.

Show comments