P100-M palengke naabo

BULACAN, Philippines - Tinatayang aabot sa P100-milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang pampublikong pamilihan sa Barangay Wawa, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng hapon. Wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa naganap na sunog na nagsimula bandang alas-2 ng hapon kung saan naapula naman may ilang oras ang nakalipas matapos rumesponde ang pamatay-sunog mula sa iba’t ibang bayan at Kalakhang Maynila. Ayon sa ilang mamimili at may-ari ng tindahan, nagsimula ang apoy sa Aida’s Money Changer na nasa gitnang bahagi ng palengke. Ayon kay F/Supt. Romeo Rillo, provincial fire marshall, umaabot sa 600 puwesto ang nadamay sa sunog habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments