MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng pamilya ang iniulat na nasawi matapos magbangaan ng motorsiklo at kasalubong nitong van sa kahabaan ng highway sa Barangay Centro Sur, Alcala, Cagayan kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay ang driver ng motorsiklo na si Reynante Casay, 37, habang idineklara namang patay sa ospital ang anak nitong lalaki na si Reynold Casay, 1 at ang ka-live-in na si Leonie Constantino, 19. Sa imbestigasyon ang pulisya, tinangka ng van ni Geren Caratiquet na mag-overtake sa motorsiklo kaya sinalpok ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima. Samantala, sumuko naman sa pulisya si Caratiquet matapos ang sakuna.